First woman: Noong ako, tumalon pa talaga ako ng tatlong hagdan para maging tatlong araw ang mens ko kada-buwan.
Second woman: Ako naman, pagkatapos kong labhan ang panty kong nalagyan ng unang regla, ipinahid ko ito sa mukha.
Young girl: Ei, para saan naman po ‘yan?
Second woman: Para hindi tagihawatin.
Young girl: Talaga po? Sino po nagsabi niyan sa iyo?
Second woman: Nanay ko.
This is the conservation I accidentally overheard one late afternoon on my way home. Apparently, there are plenty of myths that have been and are still being said about menstruation and it is, usually, the young females who become susceptible (just as shown above).
Also contained in KIKAY KIT, (Kaalama’t Impormasyon sa Katawan at kAlusugan nating Youth) a booklet which was distributed by Institute for Social Studies and Action (ISSA), are the five common myths. I have chosen not to translate these into English in order to avoid changing the thoughts expressed by the production team.
1) SABI NILA: Bawal maligo habang may regla dahil baka maloka.
SA TOTOO LANG: Mahalagang mapanatiling malinis ang katawan sa lahat ng panahon, lalo na kapag may regla. Walang kinlaman ang pagliligo habang may regla sa pagkabaliw. Sa katunayan, mas nakagagaan ito ng pakiramdam. Siguraduhin ding magpalit ng sanitary napkin o pasador kung kinakailangan.
2) SABI NILA: Bawal kumain ng maasim kapag may regla.
SA TOTOO LANG: Ang mga pagkaing maaasim ay mayaman sa Vitamin C na kainlangan ng ating katawan. Tumutulong itong magpalakas ng resistensya na panlaban sa sakit kaya’t OK na OK lang kung type mong kumain ng bayabas, sampalok o maggang hilaw. Mahalaga ring kumain ng sapat na mga masustansiyang pagkain.
3) SABI NILA: Mainam ipahid sa mukha ang unang regla para hindi tagihawatin.
SA TOTOO LANG: Bahagi ng pagdadalaga ang pagiging malangis ng balat na siyang nagiging dahilan sa pagtubo na tagihawat. Ang pagpapanatiling malinis ng balat ay makatutulong para maiwasan ito, hindi ang pagpapahid ng unang regla.
4) SABI NILA: Bawal lumangoy, magbisikleta, sumayaw, mag-ehersisyo o gumawa ng mabigat na gawain kapag may regla.
SA TOTOO LANG: Kahit ano ay puwedeng gawin kahit may regla. Sa katunayan, pansamantalang tumitigil ang daloy ng regla kapag lumalangoy kaya pwedeng-pwedeng mag-swimming kahit first day. Nakakatulong pa nga ang regular na pag-e-exercise para mas maging malakas at handa ang katawan sa mga nararanasang pagbabago kapag may regla. Sa mga unang araw lang ng regla, kadalasan ay mabigat ang pakiramdam kaya dapat hinay-hinay lang at huwag namang sobrahan ang gagawin. Tantiyahin kung ano ang kaya ng katawan.
5) SABI NILA: Handa ang magka-baby ang babae kapag nagreregla na.
SA TOTOO LANG: Kahit na ang pagkakaroon ng regla ay paghahanda sa katawan ng babae para sa posibilidad ng pagbubuntis, hindi ito nangangahulugan ng kahandaan niyang manganak.
Kinakailangang lubusang handa at nadebelop na ang mga sistemang reproduktibo ng babae. Hindi ito pare-parehong nangyayari sa lahat ng mga babae. Maraming babaeng irregular pa ang pagdating ng regla sa mga unang dalawa hanggang tatlong taon pagkasimula ng pagreregla. Nangangahulugang hindi pa handa ang mga obaryo nila at malamang ay wala pang ovulation na nagaganap. Gayunpaman, para sa ibang babae, posibleng nag-o-ovulate na sila at maaari nang mabuntis.
Marahil ang pinakamahalagang tandaan ay hindi lamang mga obaryo at matris ang kailangan sa pagbuntis. Bukod sa pisikal na paghahanda, kinakailangang psychologically, emotionally at financially prepared ang babae upang magampanan ng mabuti ang mga responsibilidad ng pagkakaroon ng anak.
by Amanah Busran Lao
HAIN Research Associate
Citation:
• Ma. Georgianna Villar, Maria Melinda Ando, Rodelyn Marte, Luz Escubil “Mga Sabi-sabi Tungkol sa Pagreregla” KIKAY KIT Kaalama’t Impormasyon sa Katawan at kAlusugan nating Youth, Institute for Social Studies and Action (ISSA), The David and Lucile Packard Foundation, Quezon City, Philippines 2003
50 comments:
pwede po bang maligo sa swimming pool kapag may regla???
hindi po ba kukulay sa swimming pool kapag naligo na may regla?
Opo pede
Pd bo bng uminom ng lemon juice o ung mga pan diet n drinks pag may regla?
Hindi. Kasi titigil ang daloy ng regla pag nagswiswimming kaya pwede...
puwede po ba magpa body massage ang may period?
Pwede po bang uminom ng buko juice kapag may regla?
Kase yung gf ko pag may mens sya hndi sya umiinom ng buko juice kase bawal dw at baka maloka sya.
Pwede po bang uminom ng buko juice kapag may regla?
Kase yung gf ko pag may mens sya hndi sya umiinom ng buko juice kase bawal dw at baka maloka sya.
Pwede po bng mag swimming pag first day ng regla? Safe po ba sya?
pede po ba kumain or uminom ng malalamig kapag may regla ??
Pwede po bng kumain ng mani pag may"dalaw"
masama po ba ang buko juice ?
hindi po pwede mag pa massage ang meron
Pwede po bang kumain ng langka habang nireregla
Pwede po ba ang niyog sa may regla???
Pwede po ba magbunot ng buhok sa kilikili pag may regla
Kht 1st day po ba pde mlgo mag swimming
pede po bang magbunot ng buhok sa kili kili kapag may regla?
pwede po bang kumain ng masim pag may regla
pwede po bang kumain ng masim pag may regla
pwede po bang kumain ng masim pag may regla
Puwede po ba uminoon ng buko juice pag may regla.
Ok lang ba uminom ng lemon juice kahit may buwanang dalaw?
Ok lang ba uminom ng lemon juice kahit may buwanang dalaw?
Bawal ho uminon ng buko kapag merong regla? Pinapatanong ng Mrs ko, salamat.
Pwede po ba magpa-rebond ng may period?
Sabi daw nila bawal
D ko Alam ehh
Pwede naman siguro
Pwede po bang kumain Ng langka kahit my period?
Pwede po ba mag ahit ng buhok sa kilikili kapag meron?2 day a
2nd day Kona po
Pwede po ba kumain ng salad pag may regla?
Pwede po bang uminom ng fresh buko juice pag may regla?
Pwede po ba kumain ng hinog na langka pag may regla?
Pwede bang tumalon habang may regla?
Pwede po ba mag pa rebond ang may period?
pwede bang magpakulay ng buhok kahit may regla?
Hindi po kasi .kasi dilalabas ang regla pag asa tubig ka
Pwede bang kumain ng Mani pag may regla
Pwede bang kumain ng mani ang may regla?
Pwede bang mag ahit kahit may dalaw?
Pwede bang magbunot ng buhok sa kilikili habang may regla? Sabi kasi ng iba, nakakaitim daw ng kilili pag nagbunot ng hair sa kilili while habing regla.
Pwede po bang magtanim o humawak ng halaman ang nagreregla?
pwede po bang mag pa rebond
malakas po ang regla?
Pwede po bang maligo o magpakabasa sa ulan ang taking malakas ang regla
bawal
Post a Comment